[WP] Silly Agreement

[Writing Prompt] Two teenager agree to get married if they don’t have a significant other by the time they’re 35. For the next twenty years, one of them tries to sabotage the other’s relationship.

I closed my eyes.

Took a deep breath.

Finally… we’re here.

Out of the blue bigla akong napaisip. For how long have we been doing these things?

No, scratch that. Ako lang pala ang may gawa non.

Oo.

Ako.

Ako ang nag-iisa at namumukod tanging may kagagawan ng lahat ng kamalasan sa kwentong pag-ibig mo.

Just for the sole reason that we promised we’ll be each other’s spouse by the time we reach 35. Kung tutuusin, nananahimik ako ng mga oras na ‘yon nang biglang mong gawin iyan. Ano ba naman kasi ang pumasok sa kukote mo at bigla kang gumawa ng kasunduan? Ano rin ba ang pumasok sa kukote ko at pumayag ako sa lintik na kasunduang iyan?

Nakulta tuloy ang utak ko.

Nagbago rin ang pagtingin ko sa’yo.

Sa sarili ko.

Sa sitwasyon natin bilang magkaibigan…

Sanay na ako sa tahimik kong mundo. Na tahimik lang na nagmamahal sa’yo. Ayos na sa akin yung laging andyan bilang suporter mo, shock absorber ng hinanaing mo sa buhay at pisikal na karahasan (Oo, sinusuntok mo ako sa braso. Babae ka pero masakit ka manuntok ah.).

Ayos na sa aking yung makita kang nakangiti, nakikita kang humihilik kapag umiidlip sa klase (cute nga eh, para kang teacup pig), yung kumakanta ng parang walang bukas para lang bumagyo at umulan dahil sa nuknukan ng sobrang init.

Ayos na ako na maging saksi sa lahat ng kapraningan mo. Mga bagay na para sa akin ay espesyal.

Tapos… bigla mo akong bibigyan ng kasunduan? Siraulo ka talaga kahit kailan.
Ayan tuloy. Sablay lagi ang love life mo ng dalawang dekada.

Twenty years.

Twenty fucking years.

And you had no idea that it was me who caused all those things. Ginawa ko lahat para hindi magtagal ang nanliligaw sa’yo. I even wore woman’s clothes just to seduce that jerk of a guy. You know, Brandon? All he ever wanted was get into your pants. Eh tangina, lagyan mo nga lang yata ng palda ang poste kakadyutin niya na eh. Pride ko’t paglalaki kinain ko, dahil ayaw kong mapunta ka sa kanya. (Wag mo na itanong kung paano ako pumasa bilang babae. Hindi ako best actor sa college noon kung di ako marunong umarte.)

This isn’t just about that stupid agreement we agreed on when we were 15. Hindi iyan ang motivation ko. Dahil kaya ko naman manligaw ng iba. Ayoko lang ng iba.

The fact that we had that agreement gave me a chance to court the only person I want to spend for the rest of my life. Na may pag-asa ako sa’yo. Na mapansin mo. Na sana ay magawa mo akong pakasalan hindi dahil sa kasunduan kung hindi dahil mahal mo ako.

Kaya yung mga pagkakataong binibilhan kita ng paborito mong ice cream sa tuwing malulungkot ka, o ipaghahanda ng dinner in every failed date, I cheer in silence. One step away, one day away to be with you.

Until you become even more attentive to me.

You stopped searching for that stupid bullshit prince and faced reality. You saw me not as your friend but as a man. You saw me as me. And slowly, you paid more attention to me.
We smiled together, laughed together  and finally… loved together.

Hindi ka na humihilik sa pagtulog pero sa gilid ko na ikaw nagsusumiksik. Hindi ka na nanununtok ngunit manghahalik ka na lang. At iyon ang pinakamasayang alala na talaga naman ay hindi ko makakalimutan.

At ngayon, nandito tayo.

I closed my eyes.

Took a deep breath.

I open my eyes…

Finally, we’re here.

You look ethereal with your gown, your veil somehow hiding your face.

And here I am, wearing barong Tagalog, holding my breath while I watch you walk down the aisle.

The only girl I loved.

The only girl I cherished.

The only girl whose love life I messed with.

But you still aren’t mine in the end.

Hindi pa rin tayo pinagbigyan ng tadhana. Nalaman mo ang lahat. Nagalit ka sa akin. Ako pa ang naging masama sa paningin mo eh ikaw itong may pakana ng kasunduang matagal mo na palang ibinaon mo sa limot. Naghanap ka ng iba. Nilayuan mo ako’t pilit na kinalimutan.

Napagtanto pa rin ako bigyan ng pagsubok ng panahon.

Kaya ngayon… sa huling pagkakataon, isusugal ko na lahat…

“Should anyone here present know…”

Dahil alam kong sa huli…

“…of any reason that this couple should not be joined in holy matrimony…”

Tayo talaga ang para sa isa’t-isa…

“…speak now or forever hold your peace.”

Pagkatapos nitong kalokohan na ito, aalis na tayo.
Lalayo na tayo.
…Kaunting tiis na lang. Matapos lang ang pekeng kasal na iyan.
…Magiging masaya na rin tayo.

(Kung sana ay minahal mo na ako sa umpisa pa lang… hindi na sana kailangan pang magkaganito.)

…Matutupad na rin natin ang kasunduan natin sa isa’t-isa.

Advertisements

One thought on “[WP] Silly Agreement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s